Message from the Community


Juan Sotto
Tribal Chieftain
Ilian Settlement

Sinong magpapahalaga sa buhay ng mga katutubong tulad ko? Isa ang Ezer Foundation, Inc. sa nagbibigay liwanag sa aming bukas. Libreng pag-aaral sa aming kabataan, kabuhayan sa aming katutubo, libreng gatas, gamot at iba pang pangkalusugan, facilidad sa aming komunidad… Ito'y iilan lamang sa biyayang akyat sa amin ng Ezer. Maraming-maraming salamat po.

Erma Bernales
San Agustin, Iriga City

Sabi nga sa patalastas, mahal ang magkasakit. Subalit po sa hirap ng buhay, sapat na sa aming pamilya ang kumain tatlong beses araw-araw. Salamat po sa Ezer Foundation, handog na gatas, ako'y lumalakas. Yamang kalusugan, kami'y hinandugan.

Girlie P. Bagaporo
Housekeeper

Maraming-maraming salamat po sa Ezer Foundation, Inc. sa napakalaking tulong sa aming pamilya. Binibigyan kami ng libreng gamot, murang bigas, at sya rin ang aming dagliang sandalan sa oras ng pangangailangan.

Mateo Cano Orbita, Parent
Ilian Tribal Settlement
San Nicolas, Iriga City

Salamat sa Ezer Foundation sa tulad naming nasa tribo na walang kakayahang magpaaral sa mga anak, nagiging possible ang di inaakala. 3 taon nang libre sa pag-aaral ang panganay kong anak at papasok na rin ang iba ko pang mga anak ngayong pasukan.

Susan B. Orillan
San Nicolas, Iriga City

Di po sapat ang kita ng asawa kong tricycle driver para matustusan ang mga pangangailangan ng aking pamilya. Salamat po sa Ezer Foundation, mas magaan ang paghain sa aming hapag-kainan.

Norma B. Martinez
Mother of 8

Nagpapasalamat ako ng malaki sa Ezer Foundation, Inc. sa pagiging katuwang namin ng asawa kong tricycle driver sa pagtaguyod ng aming pamilya. Sa laki ng pamilya namin, hirap sana kami kahit sa pagkain. Sa Ezer Foundation, aming pagkain ay sapat.